Bureau of Plant Industry magpapatupad ng pagbabago para wakasan ang kartel sa sibuyas
Nakipagpulong si House Speaker Martin Romualdez sa Bureau of Plant Industry (BPI), para mawakasan na ang kartel ng sibuyas sa bansa.
Sa statement, sinabi ni Romualdez na naka-usap na niya si BPR Director Gerald Panganiban at nangako itong makikipagtulungan sa Kamara upang masawata na ang kartel ng sibuyas sa bansa.
Nangako aniya ang BPI na magpapatupad ng pagbabago sa onion importation para maiwasan na makontrol ito ng kartel.
Hindi na rin daw mag-a-angkat ng sibuyas sa panahon ng anihan para protektahan ang kapakanan ng mga lokal na nagtatanim ng sibuyas.
Isusulong din aniya ng Kamara ang pag-amyenda sa Anti Agricultural Smuggling Act at Price Act para mapatawan ng mabigat na parusa ang mga nasa likod ng hoarding, profiteering at price manipulation ng mga agricultural products sa bansa.
Sa natapos na pagdinig ng House Committee on Agriculture, tinukoy si Lea Cruz at ang kumpanya nitong Philippine VIEVA Group of Companies bilang pasimuno sa supply at price manipulation ng sibuyas sa bansa kaya nananatiling mataas ang presyo sa merkado.
“The House of Representatives warned that apart from the cartel and their cohorts, all other profiteers—including local traders and other players in the onion industry—who will continue to take advantage of the consumers will face certain prosecution,” pahayag ni Romualdez sa kaniyang inilabas na statement.
“Those who are part of the solution we will help; those who are part of the problem, we will not tolerate. We will go after them and make the proper recommendation for prosecution,” dagdag pa ng mambabatas.
Inihayag ni Romualdez na isusulong ng Kamara ang pag-amyenda sa Anti Agriculture Smuggling Act at Price Act upang mapatawan ng mabigat na parusa ang mga nasa likod ng hoarding, profiteering at price manipulation ng mga agricultural products sa bansa.
Nakatakda namang maglabas ng Suggested Retail Price (SRP) ang Department of Agriculture (DA) ngayong linggo na nagtatakda sa presyo ng sibuyas sa P150/kg ng pulang sibuyas at P140/kg sa puting sibuyas.
Vic Somintac