Task Force ENSO binuo bilang tugon sa epekto El Niño
Bumuo ang ng Task Force El Niño and Southern Oscillation o ENSO ang Makati city .
Sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na ang pagbuo ng Task Force ENSO ay isang proactive action para matugunan ang mga epekto at hamong dala ng El Niño.
Ang Task Force El Niño and Southern Oscillation o ENSO ang mamamahala sa paghahanda ng buong lungsod, kasama ang mga supplier ng kuryente at tubig, para sa posibleng kakulangan ng kuryente at tubig.
Kabilang sa mga ito ang mababang supply ng pagkain sa merkado, pagdami ng mga kasong kailangan ng emergency healthcare services, rotational brown outs, at kakulangan sa supply ng tubig sa Makati.
Ayon sa PAGASA, nasa 80 percent na ang posibilidad na mararanasan ng bansa ang mga epekto ng El Niño sa mga buwan ng June, July, August at September.
Bukod dito naghahanda na rin ang Makati para sa ano mang krisis o emergency na maaaring mangyari.
Paliwanag ni Mayora Abby, bilang sentro ng negosyo, malaki ang magiging impact ng El Niño sa Makati kaya agad-agad na nakipag-usap ang pamahalaang lungsod sa mga supplier ng kuryente at tubig.
Kasabay nito hinikayat ni Mayor Abby ang kanyang mga nasasakupan na matuto ang lahat ng wastong paggamit at pagtitipid ng tubig at kuryente.
Dagdag pa niya, mas magiging magaan ang pagharap sa epekto ng El Niño sa lungsod sa pamamagitan ng pagpaplano at paghahanda, at kooperasyon ng pribadong sektor at maging ng komunidad.
Genycil Capiñanes