Senado may iba pang paraan para pagsalitain ang mga resource person sa hearing
Marami pang opsyon ang Senado upang pilitin ang mga resource person na makipagtulungan sa isinasagawa nitong investigation in aid of legislation.
May kaugnayan ito sa nasabat na 990kg ng shabu kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo na nagkakahalaga ng P6.7 billion.
Ayon Kay Senate President Juan Miguel Zubiri, nakaka-gigil at nakaka-galit ang aksyon ng mga pulis na humarap sa pagding ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na tila pinaglalaruan at pinaiikot ang mga senador.
Pero hindi pa rin sila pwedeng umiwas dahil bukod sa contempt, ay maaari ring magsampa ng class suit ang Senado sa mga pulis na tila uma-abuso na sa paggamit ng kanilang right against self-incrimination at rights to remain silent.
Maaari ring irekomenda ng Senado sa Philippine National Police (PNP) at National Police Commission (NAPOLCOM), na isailalim sa suspensyon ang mga pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado upang sila ay madis-armahan.
Nagbabala rin si Zubiri na posibleng matagalan din sa pagkakakulong ang mga pulis na na-cite for contempt hanggat hindi sila handang makipagtulungan.
Ipinaliwanag ng Senate President, na may kapangyarihan ang Senado na patagalin ang contempt charges laban sa mga ito hanggat hindi natatapos ang regular session ng Kongreso.
Meanne Corvera