Mga reporma sa prison systems sa bansa, ibinida ng DOJ sa United Nation
Inilatag ng gobyerno ngPilipinas sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) ang mga reporma na ipinatutupad ng Marcos Government sa prisons system ng bansa.
Sa 32nd session ng Commission on Crime Prevention and Criminal Justice (CCPCJ) sa Vienna, Austria, inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla ang matibay na commitment ng Pilipinas sa pagsulong at pagsunod sa international standards sa pagtrato sa mga bilanggo.
Sinabi ni Remulla na prayoridad ng kasalukuyang administrasyon na maging mas makatao o humane at mas marangal o dignified ang mga kulungan sa bansa.
Ayon sa kalihim, determinado ang Pilipinas na matiyak na bagamat nasa piitan ay makakamtan pa rin ng mga preso ang kanilang karapatan maliban sa kanilang kalayaan.
Katunayan ng mga ito inilahad ni Remulla ang pagsisimula ng regionalization ng mga kulungan sa bansa at ang pagtatayo ng hiwalay at state-of-the art na mga kulungan para sa high-level offenders.
Inumpisahan na rin aniya ang paglipat ng mga preso mula sa New Bilibid Prisons (NBP) sa ibang penal colonies upang mabawasan ang siksikan sa NBP.
Isa pa aniya sa reporma ay ang pag-digitize sa prison records na tinatawag na Single Carpeta System upang maging maayos at mabilis ang pagpapalaya sa inmates.
Samantala, inanunsiyo sa sesyon ang pormal na pagsali ngPilipinas sa Group of Friends of the Nelson Mandela Rules na mga bansang sumusuporta sa UN minimum standards sa pagtrato sa mga preso.
Ayonsa UNODC, milestone ang pagsapi ng Pilipinas sa grupo dahil ito ang ikalawang miyembro saTimog- Silangang Asya kasunodn g Thailand.
Inilunsad din sa sesyonang Tagalog na translation ng Nelson Mandela Rules sa website ng UNODC.
Moira Encina