NGCP executives, kinastigo sa Senado
Kinastigo ng mga senador ang mga opisyal ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos madiskubre na napakalaking porysento ng kanilang kinikta ay napupunta sa dibidendo at pinaghahatian ng mga shareholder.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, inusisa ng mga senado rang financial statement ng kumpanya.
Sa data ng NGCP noong 2019, umabot sa P20.3 billion ang net income ng kumpanya kung saan P15 billion dito ay napunta sa dibidendo na pinaghahatian ng mga shareholder.
Noong 2017, sa P20.6 billion na kinita ng ahensya, P19 billon o halos 99% ang napunta sa dibidendo.
Ayon kay Senador RaffyTulfo, nangyayari ang brownout dahil walang pondo ang NGCP para sa development ng kanilang transmission lines dahil napupunta ito sa dibindendo.
Sinabi ng senador na mas inuuna ng NGCP ang pagkuha ng kita ngmga shareholder sa halip na buhusan ng pondo ang development projects at mahabol ang kanilang mga nakabinbing proyekto para sa linya ng kuryente at matiyak na walang mangyayaring brownout.
Kinuwestyon din ni SenadorTulfo kung paanong noong 2014 ay kumita ng P22 billion ang NGCP ngunit nasa P24 billion ang pinaghati-hatian ng mga shareholder.
Pero depensa ng NGCP na hindi lang sa net income hinuhugot ang dibidendo na hinahati sa mga shareholder kundi maging sa kita sa mga nakalipas na taon.
Nanindigan din ang NGCP na naglalaan sila ng pondo para sakanilang capital outlay o pondo sa mgaproyekto.
Katunayan, noong 2019, naglaan sila ng 40 billion para sa development na karamihan sa source ng pondo ay mula sa mga loan.
“Our profit retained earnings, it’s not a one-is-to-one for that particular year, so numbers may or may not match,” paliwanag ni Atty. Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng NGCP sa pagdinig ng Senado.
Pero hindi nakumbinse ang mga senador.
Tila naging pera-pera na lang daw ang kalakaran at hindi na priority ang pagbibigay ng mas maayos na serbisyo.
“Let me remind you, huwag nyo kami paglu-lokohin. Ang mga set-up ng linyang Transco, gawa na yan. Pumasok na lang kayo sa eksena dahils a EPIRA. Nagdala lang kayo ng experts nai-manage yan… lumilitaw na wala kayong ginawa, political accomodations lang para kumita kayo,” pagbibigay-diin pa ni SenadorTulfo.
Sinabi naman ni Senador JV Ejercito na napapanahon nang repasuhin at amyendahan ang umiiral na EPIRA law.
May ilang probisyon anya ang batas na hindi na pumapabor para sa kapakanan ngmga Pilipino at masyado nang dehado ang taumbayan.
“Sobrang special treatment ang ibinigaysa NGCP, ang tanong sa magkanong halaga? Bakit?” sinabi ni Tulfo.
“Dagdag ko lang, yung EPIRA mukhang ipinera,” dagdag naman ni Ejercito.
“Ipinera at mukhang naperahan tayo“ ” tugon naman ni Tulfo.
Meanne Corvera