P25.61B health insurance fund para sa Pinoy indigents, inilabas ng DBM
Inaprubahan ng Department of Budget ang Management (DBM) ang pagpapalabas ng P25.16 bilyong budget para sa isang buong taong health insurance ng halos 8.4 milyong indigents.
Sa isang statement, sinabi ni Budget Secretary Amanah Pangandaman na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang gabinete na tiyaking maipagkaloob ang abot-kayang alagang pang-kalusugan sa lahat ng Filipino.
“President Ferdinand Marcos Jr. mandated his cabinet to ensure that Filipinos are provided with affordable health care,’ pahayag ni Pangandaman.
Binigyang-diin pa ng kalihim na pinamulat ng pandemya ang kahalagahan ng mas matatag na health care system, kaya’t pinagsisikapan ng administrasyon na ilapit ito sa publiko lalong-lalo na sa mga higit na nangangailangan.
Paliwanag ng budget chief, ang pagpapalabas ng nasabing halaga sa Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth ay gagamitin sa isang taong health insurance premiums ng mahigit 8.3 milyong kwalipikadong mga kababayan nating salat sa kabuhayan na naka-enroll sa PhilHealth.
Ang mga indigent persons na kabilang sa mga magbe-benepisyo ay ang mga walang hanapbuhay o kaya naman ay hindi sapat ang kita para sa mga pangangailangan ng pamilya, na tinukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), batay na rin sa mga specific criteria nito.
Kukunin naman ang pondo para sa nasabing health insurance premium mula sa authorized allotment sa ilalim ng FY 2023 General Appropriations Act (GAA) alinsunod sa Republic Act 119936.
Una nang inaprubahan ng DBM ang pagpapalabas ng mahigit P42.9 milyon health insurance premiums para sa higit 8.5 milyong senior citizens sa buong bansa noong Abril.
Eden Santos