Mas mabigat na parusa sa mga nagsisinungaling na resource person, isinulong sa Senado
Nais ni Senador Robinhood Padilla na palakasin ang ipinapataw na parusa laban sa mga resource person na nagsisinungaling sa mga imbestigasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Dismayado si Padilla sa ginagawang cover up ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa nakumpiskang mga shabu sa kapwa pulis na si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang ‘rights against self incrimination’ o ‘rights o remain silent.’
Pito sa mga tauhan ng PDEG ay nauna nang ipina-contempt ng Senado dahil tumangging magsalita sa imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Ayon kay padilla, hindi sya kuntento sa kasalukuyang batas tungkol sa perjury o pagsisinungaling gaya ng ginawa ng mga pulis.
Sa ilalim ng Republic Act no. 11954 o Perjury Law, maaaring makulong ng anim hanggang sampung taon ang sinumang magbibigay ng maling testimonya bukod sa posibleng pagmultahin ng isang milyong piso at perpetual disqualification sa government service.
Pero sabi ng senador dapat mas mabigat pa ang parusa lalo na sa mga kawani ng gobyerno at mga law enforcers.
Para sa tulad nyang nabilanggo, hindi raw maitururing na parusa ang kulong dahil maari pa silang makalaya.
Nais ni Padilla na kapag ang isang alagad ng batas ay napatunayang nagsinungaling, dapat otomatiko na itong tanggalin sa serbisyo at singilin kung magkano ang nagastos sa kanya ng taumbayan gaya ng mga naibigay na sweldo at benepisyo at dapat patawan ng kasong kriminal.
Sakaling ma-contempt dapat rin itong ikulong sa city jail at hindi sa Senado kung saan naka aircon sila at mas komportable pa ang kanilang kalagayan.
Meanne Corvera