Maharlika Investment Fund nais ipasok sa Philippine Stock Exchange ng liderato ng Kamara
Nais ni House Speaker Martin Romualdez na ipasok sa Philippine Stock Exchange (PSE) ang Maharlika Investment Fund sa sandaling maging ganap na batas.
Sa kanyang keynote speech sa inauguration ng PSE Event Hall sa Bonifacio Global City sinabi ni Romualdez na malaki ang papel na gagampanan ng PSE para mapalago ng Maharlika Investment Fund.
“Our strong belief in the important role of capital markets in supporting the national development agenda is also the driving force behind our proposed establishment of the Maharlika Investment Fund,” binanggit ni Romualdez sa kaniyang talumpati.
Ayon kay Romualdez sa sandaling maipasok sa PSE ang korporasyon na mamamahala sa Maharlika Investment Fund magagamit ang makukuhang dibidendo para makalikha ng dagdag na business opportunities na lilikha ng maraming trabaho na pakikinabangan ng taongbayan.
“The corporation that will be created to manage the Maharlika Investment Fund will invariably look to the PSE in its search for blue chip investment opportunities, from which handsome dividends may be generated – dividends which shall be channeled to fund the government’s strategic social programs towards the achievement of the nation’s larger development goals,” dapgdag pa ng Speaker.
Inihayag ni Romualdez ang Maharlika Investment Fund Bill ay napagtibay na ng Kamara at inaasahan na ipapasa naman ito ng Senado bago ang sine die adjournment ng first regular session ng 19th congress sa June 2, 2023 upang mapirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para maging ganap na batas.
Sa mensaheng ipinarating ni Pangulong Marcos sa Senado kaugnay ng sertipikasyon sa panukala bilang urgent bill, sinabi nito na “There is a compelling need for a sustainable national investment fund as a new growth catalyst to accelerate the implementation of strategic and high-impact large infrastructure projects that will stimulate economic activity and development.”
Pinasalamatan ni Romualdez ang PSE dahil nanatiling kaagapay ng gobyerno para mapanatili ang matatag na business operations sa bansa upang tuluyang makabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya ng COVID 19 at global economic crisis.
Vic Somintac