Maharlika Investment Fund bill, pasado na sa Senado
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa Senado.
Alas-dos treinta’s dos ng madaling araw napagtibay ang panukala sa botong 19 ang pumabor, isa ang tumutol at isa ang abstention.
Wala sa botohan sina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel, Senador Imee Marcos at Chiz Escudero.
Agad na ipinasa sa ikatlong pagbasa ang Maharlika Fund bill matapos itong lumusot sa second reading kasunod na rin ng sertipikasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukala bilang urgent bill.
Alas-onse ngayong Miyerkules, May 31, nakatakda naming magpulong ang bicameral conference committee para i-reconcile ang dalawang bersyon ng panukala.
Umaasa si Senate President Juan Miguel Zubiri na ia-adopt ng mga kasamang mambabatas sa Kamara ang bersyon ng Senado para sa mas mabilis na pagsasabatas ng Maharlika Fund.
Sa bersyonngSenado, tiniyaknahindimagagamitparasa bankroll ngitatatagnakauna-unahang sovereign welfare fund ngbansaang ponding nakalaanparasa pension at social security.
Sa debate para sa period of amendments, tinanggap ng Senado ang panukalang ilang senador na mahigpit na nagbabawal sa mga institusyon gaya ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (GSIS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), Home Development Mutual Fund (PagIBIG), Overseas Welfare Workers Association, at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na mag-invest sa Maharlika.
Batay sa pinagtibay na bersyon ng Senado, ang pondo para sa Maharlika Investment Corporation ay manggagaling sa mga government financial institutions gaya ng Land Bank of the Philippines (LBP) na maglalaan ng P50 billion at Development Bank of the Philippines (DBP) na maglalaan ng P25 billion at P50 billion mula sa national government.
Ang national government contribution ay manggagaling sa mga sumusunod:
- Deklaradong dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
- 10% government share sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
- Real at personal properties na tinukoy ng Department of Finance (DOF) – Privatization and Management Office (PMO)
- Iba pang sources gaya ng royalties at/o special assessments
Tinanggal ng mga senador ang kontrobersyal na linya sa Section 12 ng Maharlika bill na tinukoy ni Pimentel na magbibigay ng opsyon sa GSIS at SSS na pumasok sa Maharlika Fund.
Bukod dito, nagpasok si Senador Sonny Angara ng probisyon na nagsasaad na hindi dapat lumagpas sa 25% na halagang kanilang assets ang pondong ipapasok sa Maharlika Fund ng Landbank, DBP at iba pang government financial institutions (GFIs).
Sa inaprubahang bersyon ng Senado, pinagbabawalan ang Maharlika fund na mag-invest sa mga “areas” na lumalabag sa mga batas at conventions na nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas.
Mula naman sa orihinal na bersyon ng panukala na nagtatakda sa 15 miyembrong Board of Directors, ibinaba ito ng Senado sa siyam na director, at tatlo ay magmumula sa pribadong sektor.
Meanne Corvera/Weng dela Fuente