Spy satellite, ‘bumagsak sa tubig” ayon sa North Korea

A woman walks past a television screen showing a news broadcast with file footage of North Korea’s rocket launch, at the Seoul Railway Station in Seoul on May 31, 2023. (Photo by Jung Yeon-je / AFP)

Ibinalita ng state media, na naglunsad ang North Korea ng isang military spy satellite ngayong Miyerkoles, ngunit bumagsak agad ito sa dagat pagkatapos ng isang “aksidente” sa panahon ng paglipad nito.

Ang Pyongyang ay walang gumaganang satellite sa kalawakan, kaya ginawang pangunahing prayoridad ng lider na si Kim Jong Un para sa kanyang rehimen, ang pagbuo ng isang military spy satellite, kung saan personal niyang pinangasiwaan ang ilang paghahanda para sa paglulunsad.

Sa ulat ng opisyal na Korean Central News Agency ay nakasaad, “North Korean space authorities launched a military reconnaissance satellite, ‘Malligyong-1’, mounted on a new-type carrier rocket, ‘Chollima-1’, at the Sohae Satellite Launching Ground in Cholsan County of North Phyongan Province at 6:27 on May 31,’ but the rocket crashed into the sea ‘after losing thrust due to the abnormal starting of the second-stage engine’ after the separation of the first stage during the normal flight.”

Ayon pa sa report, “Authorities will ‘thoroughly investigate’ the serious defects revealed in the satellite launch, take urgent scientific and technological measures to overcome them and conduct the second launch as soon as possible.”

Sinabi ng Joint Chiefs of Staff (JCS), na na-detect ng South Korean military ang paglulunsad sa satellite, na ayon sa kanila ay agad na nawala sa radar at bumagsak sa dagat dahil sa abnormal flight.

Nitong Martes ay kinumpirma ng North Korea ang plano nitong ilunsad ang tinatawag nilang “military reconnaissance satellite No. 1” bago mag-June 11, at ipinabatid ito sa Japan mas maaga ng isang araw.

Mahigpit namagn binatikos ng Tokyo at Seoul ang panukalang paglulunsad, na anila ay maaaring makalabag sa UN sanctions na nagbabawal sa Pyongyang na magsagawa ng anumang pagsubok na kinasasangkutan ng ballistic missile technology.

Dahil ang mga long-range rocket at space launcher ay may parehong teknolohiya, sinabi ng mga analyst na ang pagbuo ng kakayahang maglagay ng satellite sa orbit ay magbibigay sa Pyongyang ng pagkakataong subukin ang mga ipinagbabawal na intercontinental ballistic missiles (ICBMs).

Di-nagtagal pagkatapos ng paglulunsad, nagpadala ang mga awtoridad sa lungsod ng Seoul ng isang emergency text message sa mga residente na nagsasabing: “Citizens, please prepare to evacuate and allow children and the elderly to evacuate first” habang pinatunog naman ang isang air raid siren sa central Seoul.

Ang alerto ay nag-udyok ng kilabot at pagkalito sa Twitter, bago sinabi ng interior ministry ng Seoul makalipas ang ilang minuto na “nagkamali sila ng paglalabas ng alerto.”

Sinabi ni Soo Kim, policy practice area lead sa LMI Consulting at isang dating CIA analyst, “Kim stayed true to his word and launched the spy satellite today. We know that Kim’s determination does not end with this recent activity, the launch could be a ‘foreshadowing of greater provocations, including the nuclear test’ we have been speculating on for quite some time.”

Simula noong 1998, ang Pyongyang ay naglunsad na ng limang satellite, tatlo sa mga ito ay nabigo kaagad at dalawa sa mga ito ay tila umabot sa orbit — ngunit ang mga senyales mula sa mga paglulunsad na iyon ay hindi kailanman paisa-isang natukoy, na nagpapahiwatig na ang mga ito ay maaaring hindi gumana.

Nitong Martes ay sinabi ng North Korea na ang kanilang bagong satellite ay, “indispensable to tracking, monitoring… and coping with in advance in real time the dangerous military acts of the US and its vassal forces.”

Iniulat pa ng state media, na bilang pagbatikos sa mga joint military exercise ng US-South Korea, kabilang ang patuloy na malakihang live-fire drills, sinabi ng isang nangungunang opisyal ng militar ng North Korea na naramdaman ng Pyongyang ang “pangangailangan na palawakin ang reconnaissance at mga paraan ng impormasyon at pagbutihin ang iba’t ibang mga depensiba at nakakasakit na armas.”

Noong 2012 at 2016, sinubok ng Pyongyang ang ballistic missiles na tinawag nitong satellite launches. Ang mga ito ay kapwa pumailanlang sa southern Okinawa region ng Japan.

Sumandaling pinagana ng Japan ang kanilang missile alert warning system para sa Okinawa region, umaga nitong Miyerkoles, pagkatapos ay inalis ito makalipas ang 30-minuto.


Simula nang bumagsak ang diplomatic efforts noong 2019, ay dinoble na ng North Korea ang pagpapaunlad sa kanilang militar, at nagsasagawa ng serye ng mga ipinagbabawal na pagsubok sa mga armas, kabilang ang test-firing ng maraming ICBMs.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *