Gunman sa pananambang sa radio commentator sa Oriental Mindoro tukoy na – PTFOMS
Natukoy na ng awtoridad ang gunman sa pananambang sa radio commentator na pinaslang kahapon ng madaling-araw sa Calapan, Oriental Mindoro.
Sa panayam ng programang Kasangga Mo ang Langit, sinabi ni Undersecretary Paul Gutierrez, head ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) na hindi pa maaaring isapubliko ang pagkakilanlan ng nasabing gunman.
Sinabi ni Gutierrez na sa report, nagkataong nasaksihan ng anak ni Crisencio ‘Cris’ Bunduqui nang pamamaril sa kaniyang ama kaya’t hinabol nito ang gunman.
“Nung nabaril po si Mr. Bunduquin, fortunately,nandun po yung kaniyang anak, hinabol po yung bumaril sa kaniyang tatay at nagkaroon po ng aksidente, yung driver pong motorsiklo ay namatay at nung nakatakas yung gunman, may na-recover pong dalawang 45 caliber pistol dun sa site ng aksidente at may mg ana-recover din na mga slugs, 45 caliber din po, ito po ay pinag-a-aralan din ngayon ng mga owtoridad,” pahayag ni Gutierrez.
Sa ngayon ay tuloy aniya ang manhunt operation sa nasabing gunman at tiwala ang bagong PTFOMS chief na magkakaroon ng mabilis na resulta ang kaso.
“Na-identify na rin po, pero hindi pa natin pwede sabihin ang pangalan nun pong nakatakas na gunman at we are confident po na maaaresto po ito at the soonest possible time,” pagdidiin pa ni Gutierrez.
Bukas nakatakdang magtungo sa Oriental Mindoro si Gutierrez para tutukan ang kaso at personal na makipag-ugnayan sa owtoridad.
Isa sa kwestyon ay kung bakit madaling-araw tinambangan si Bunduquin sa layong tatlong kilometro mula sa kaniyang tahanan.
“That is one of the things na aalamin natin ng personal, bukas po ay pupunta tayo ng Calapan para po personal na nating makausap yung SITG [Special Investigation Task Group} at yung pamilya and all these question,actually iniisip ko rin po yan, so far we know yung bahay niya ay 3 km ang layo sa insidente, malalaman po natin lahat yan bukas,” dagdag na pahayag ni Guttierez.
Isa sa tinitingnang anggulo sa pananambang ang pagkakaugnay ng pagiging broadcaster ni Bunduquin.
Sa mga inisyal na impormasyong nakarating kay Gutierrez, ilan sa isyung binabatikos ng komentarista ang kapabayaan ng mga ahensya ng gobyerno sa oil spill sa Mindoro, gayundin ang ilang mga personalidad kaugnay ng dadatingna Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) saOktubre.
“Yung kaniyang kaso ay we treat it as work related unless the evidence would say na hindi po,” dagdag pa ni Gutierrez.
Nagpahatid naman ng pakikiramay ang PTFOMS sa pamilya at mga kaibigan ni Bunduquin.
Weng dela Fuente