Boya na inilagay ng PCG nananatili pa rin sa West Ph Sea
Nananatili parin sa West Philippines Sea ang mga boya na inilagay ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG patungkol sa isyu ng West Philippine Sea, naroon parin ang 10 boya sa mga lugar kung saan ito inilagay.
Ilan sa mga lugar kung saan inilagay ang nasabing boya ay sa Patag Island, Balagtas Reef, Kota Island, Panata Island at Juan Felipe Reef.
Ayon sa PCG, may watawat rin ito ng Pilipinas na pagpapakita na ang lugar ay sakop ng hurisdiksyon ng Exclusive Economic Zone.
Pagpapakita umano ito ng pinalakas na presensya ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Una rito, napaulat na kinuha umano ng chinese fishermen ang mga nasabing boya.
Madelyn Villar – Moratillo