291 dayuhang biktima ng cyber scam hub sa Pampanga, na-repatriate na
Pinauwi na sa kani-kanilang bansa ang nasa 291 mga dayuhang biktima ng human trafficking sa isang cyber scam hub sa Pampanga.
Nasagip ng mga otoridad noong Mayo ang nasa 1,000 human trafficking victims sa Clark Sun Valley Hub Corporation sa loob ng Clark Freeport and Special Economic Zone sa Mabalacat, Pampanga.
Sinabi ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), 936 sa mga banyaga na naproseso na ng Bureau of Immigration (BI) ang nabigyan na ng Allow Departure Orders (ADO).
Mula sa nasabing bilang, 291 foreign nationals na ang na-repatriate hanggang noong May 31.
Patuloy namang pinagkakalooban ng pagkain, tirahan at iba pang assistance ang iba pang naghihintay ng repatriation.
Samantala, inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) prosecutors na sampahan ng kasong human trafficking sa korte ang walong respondents na sangkot sa operasyon ng nasabing scam hub.
Hindi naman tinukoy ng IACAT ang nasyonalidad at pagkakakilanlan ng mga respondents.
Moira Encina