ERC tiniyak ang pinaigting na hakbangin para mapababa ang electricity rate
Tiniyak ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kanilang pinaigting na kampanya para mapababa ang singil sa kuryente.
Sa report ng ERC, nakasad na isinusulong nila na ang bayaran lang dapat ng mga consumer ay kung ano ang tama at risonable salig na rin sa nakasaad sa Electric Power Industry Reform Act.
Ayon kay ERC Commissioner Alexis Lumbatan, maituturing na milestone ang pagkakaroon ng mga distribution utility na kusang nagbabalik ng bill deposit refund ng kanilang consumers gaya ng MORE Electric and Power Corporation
Bukod sa refund, tiniyak ni President at CEO Roel Castro ang mas mababang singil sa kuryente.
Mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito, bumaba ang kanilang singil sa kuryente kung saan ang residential rate para sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay bumaba ng halos piso per kilowatt hour.
Ayon sa More Power, ang pagbaba ng singil ay bunsod ng pagbaba ng generation cost at pagpasok ng renewable energy supplier.
Naging malaking kontribusyon rin aniya ang
pagbaba ng presyo ng coal at transmission charge.
Madelyn Moratillo