Malakas na pag-ulan ibinabala ng PAGASA dulot ng Habagat (updated)
Isinailalim sa Yellow Alert Warning ng state weather bureau PAGASA ang Metro Manila at ilang karatig lalawigan.
Sa Heavy Rainfall Warning no. 18 kaninang alas-8:00 ng umaga,na inilabas ng PAGASA, makararanas ng malakas na buhos ng ulan ang mga sumusunod:
- Metro Manila
- Bataan
- Cavite
- Batangas
- Rizal
- Bulacan
- Pampanga (Lubao, Sasmuan, Macabebe, Masantol,Floridablanca)
- Zambales (San Antonio, Castellejos, Subic, Olongapo)
- Laguna (San Pedro, Santa Fosa, Cabuyao, Calamba, Biñan) Rizal.
Asahan din ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Quezon at Laguna sa susunod na 3 oras.
Makararanas din ng occasional heavy rains angTarlac, ang nalalabing bahagi ng Zambales, nalalabing bahagi ng Pampanga, at nalalabing bahagi ng Laguna na maaaring mangyari sa loob ng susunod na tatlong oras at makaka-apekto sa mga karatig lugar.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at ang mga Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) ng mga kinauukulang lalawigan na i-monitor ang lagay ng panahon at antabayanan ang mga susunodna advisory ng PAGASA.
Bagama’t nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Chedeng, patuloy pa ring pinalalakas nito ang southwest monsoon o habagat na magpapa-ulan sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na tatlong araw.
Partikular na maapektuhan ng habagat ang Metro Manila, Bulacan, Benguet, Occidental Mindoro, Northern portion ng Palawan kabilangang Calamian at Cuyo Islands, at Antique, gayundin ang Ilocos Region, Zambales at Bataan.
Bukas, Martes, inaasahang uulanin dahil sa habagat angIlocos Region, Zambales at Bataan.
Mula naman Martes hanggang Miyerkules ay inaasahang bubuhos ang malakas na ulan sa Ilocos Region.
Sa ilalim ng nasabing kondisyon, ibinabala ng PAGASA na posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa lalo na samga lugar na highly o very highly susceptible, gayundin ang mga lugar na nakaranas ng malalakas na pag-ulan sa mga nakalipas na araw.
Weng dela Fuente