Bulkang Taal at Kanlaon tuloy na binabantayan ng PHIVOLCS
Bantay-sarado pa rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Taal Volcano sa Batangas at Kanlaon Volcano sa Negros Island.
Kapwa nakataas ang Alert Level 1 sa dalawang bulkan.
NItong Linggo, naobserbahan ang plume sa Taal na umabot sa 1,200 meters.
Naitala rin ang 11 volcanic earthquakes kabilang ang 7 volcanic tremors.
Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ito matapos ang pagtaas ng mainit na volcanic fluid mula sa main crater lake nito.
Naitala rin nitong Linggo ang 6,884 tonelada ng sulfur dioxide na ibinuga ng Taal.
Ibinabala din ng PHIVOLCS na posibleng magkaroon ng phreatic explosion dulot ng pagsingaw, dahil sa pag-init ng ground water o gas-driven explosion o pagsabog dulot ng volcanic gas.
Sinabi ng PHIVOLCS na posible pa rin ang volcanic earthquakes at minor ashfall.
Samantala, may naitala namang tatlong volcanic earthquake sa Kanlaon Volcano.
Bagama’t malabo ang pluma at malaki ang edifice ng bulkan, ibinabala ng PHIVOLCS na posible pa rin ang phreatic eruption.
Ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone ng dalawang bulkan.