P33M ayuda ipinamahagi ng opisina ni Speaker Romualdez sa mga biktima ng Bulkang Mayon
Umaabot sa P33 milyong halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Representative Yedda Romualdez para sa mga biktima ng bulkang Mayon sa Albay.
Ayon kay Romualdez, tig-P1 milyong halaga ng ayuda ang ipagkakaloob sa tatlong distrito ng Albay kaugnay ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.
Photo: Office of the Speaker
Ang P1-million ay hahatiin sa P500,000 in cash at P500,000 na halaga ng relief packs mula sa Personal Response Fund (PRF) ng Office of the House Speaker.
Nakipag-ugnayan din ang tanggapan ni Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), para maipamahagi ang P10 milyon sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis program.
Photo: Office of the Speaker
Batay sa report libo-libong mga residente sa lalawigan ng Albay ang inilikas sa iba’t ibang evacuation centers nang magsimulang mag-alburuto ang bulkang Mayon.
Vic Somintac