Distribution utilities hinikayat ng ERC na mag-refund din sa costumers
Hinikayat ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Monalisa Dimalanta ang iba pang Distribution Utilities (DU) na sumunod sa isinasaad ng Magna Carta for Residential Electricity Consumers.
Partikular na tinukoy ni Dimalanta ang nakasaad patungkol sa ng bill refund.
Giit niya, kung nagawa ng ibang Distribution Utilities gaya ng MORE Electric and Power Corporation, dapat ay sundan rin ito ng iba pa.
Dapat din aniyang tiyakin ang makatwirang presyo ng kuryente alinsunud sa RA 9136 o Electric Power and Industry Reform Act (EPIRA).
Una rito, nagpatupad ng magkakasunud na 6 na buwan na mababang singil sa kuryente ang MORE Power para sa mga residente na sineserbisyuhan nito sa Iloilo City.
Positibo ang MORE Power na patuloy pa ang pagbaba ng kanilang singil sa kuryente hanggang sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Niel Parcon, MORE Power vice president for corporate planning and regulatory affairs, dalawa sa naging malaking factor sa pagbaba ng presyo ng kuryente ay ang pagbili nila ng geothermal energy at pagbaba ng presyo ng coal sa world market.
Madelyn Moratillo