Tatlo patay, libu-libo ang na-displace kasunod ng bagyo sa Cuba
Tatlo katao ang namatay at libu-libo naman ang inilikas matapos makaranas ng malakas na mga pag-ulan ang eastern at central Cuba nitong nakalipas na mga araw.
Ang malakas na pag-ulan na nagsimula noong Huwebes ay humupa nitong Lunes ng gabi, ngunit nagpapatuloy pa rin ang mga recovery operation sa ilang lalawigan sa bahaging silangan ng bansa, kabilang ang Holguin, Camaguey, Granma, Santiago de Cuba at Las Tunas, gayundin sa Sancti Spiritus, sa gitna ng isla.
Sa pahayag ng Camaguey Civil Defense, isang 56-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa isang dam habang iniimbestigahan naman ang sanhi ng pagkamatay ng isang 67-anyos na lalaki.
Sa Granma, halos 7,500 katao ang pinalikas mula sa kanilang mga bahay, at sa kalapit na Las Tunas, ay nasa 1,730 ektarya ng mga pananim ang nasira.
Noong Biyernes ay iniulat ng mga awtoridad sa Granma ang pagkamatay ng isang lalaki na higit 60-anyos ang edad dahil sa pagkalunod.
Noong Linggo ay ipinangako naman ni President Miguel Diaz-Canel, “We are going to recover, no one will be helpless.”
Napaulat din na nasira ang mga tulay, kalsada at sewage system dahil sa mga pag-ulan, habang kinansela naman ang biyahe ng mga tren na patungo sa silangan mula sa Havana.