Bivalent COVID-19 vaccines, kailangang mai-bakuna na sa lalong madaling panahon – DOH
Kailangang madaliin ang pagbabakuna ng bivalent vaccine laban sa COVID-19, dahil sa shelf life ng donasyong bakuna na tinanggap mula sa gobyerno ng Lithuania.
Sa briefing sa Malacañang, sinabi ni Health Secretary Teodoro ‘Ted’ Herbosa, na hanggang Nobyembre lamang ang itatagal ng bakuna o anim na buwan mula nang dumating ito sa bansa.
Prayoridad na tumanggap ng nasabing bakuna ang healthcare workers at senior citizens.
Binigyang-diin ni Sec. Herbosa, “Six months lang ang shelf life niyan, wala ng gamit. So kapag binilo mo iyan out of the shelf, like this one, this donation, they end on November 23, that’s the expiry date. So, I need to start vaccinating people immediately.”
“Dapat magtuloy na iyan with the LGUs. Once it’s there, pwede na iyan in the center. So, I will check after this meeting, that’s a very important question. I will check if the distribution has been done,” dagdag pa ng kalihim.
Naipamahagi na ng Department of Health (DOH) ang 390,000 doses ng bivalent COVID-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Karamihan aniya ng bivalent vaccine ay napunta sa National Capital Region (NCR), habang ang iba ay napunta sa ibang rehiyon.
Patuloy pa rin aniyang nakikipag-ugnayan ang DOH para makabili pa ng maraming bivalent COVID-19 vaccines.
Paliwanag ni Herbosa, “So, what we will have to do is to prioritize who needs it first. So, number one, the elderly. Number two, iyong may comorbidity. Number three, iyong health care workers, kasi hindi ba inuna rin natin iyong healthcare workers. So nag-wane na siguro iyong immunity nila. We need to protect them also.”
Ilan naman sa isyung kinakaharap ng bivalent COVID-19 vaccines ay ang ukol sa rehistro ng bakuna sa Food and Drug Administration (FDA).
Sabi pa ng kalihim, “Meron lang snag and issues kasi nawala iyong public health emergency. So, the issue of the vaccine is in terms of the EUA [emergency use authoritzation]. So, to procure it, kailangan ma-i-rehistro sa ating FDA. But we are trying hard to get all these bivalent [vaccines].”
Muli namang nanawagan ang DOH sa publiko na magpabakuna, lalo na kung nasa panganib o may comorbidity.
Weng dela Fuente