Taguig handang i-take over ang 10 barangay ng Makati

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang kahandaan na i-take over ang 10 barangay mula sa Makati na ayon sa Korte Suprema ay sakop ng Taguig.

Kabilang dito ang mga barangay ng Pembo, Comembo,Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo at Pitogo.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, hindi nila nais na magkaroon ng antala sa serbisyo ng mga residente ng nasabing barangay.

Apela ni Cayetano sa Makati LGU igalang ang desisyon ng Korte Suprema para maiwasan ang kalituhan sa mga residente.

Una rito, naghain ng show cause order sa Korte Suprema si Cayetano para hilingin na pagpaliwanagin si Makati City Mayor Abi Binay kung bakit hindi ito dapat na patawan ng parusa matapos sabihin na hindi pa tapos ang kaso ng territorial dispute sa pagitan ng dalawang lungsod.

Legal na hakbang umano ito ng Taguig para maiwasan ang anumang problema na maaaaring idulot nito,

Una rito, sinabi ng SC na pinal na ang desisyon patungkol sa Taguig-Makati dispute dahil nagkaroon na ng Entry of Judgment sa kaso.

Sa ilalim ng rules, ang kaso na naipasok na sa SC Book of Entries of Judgments ay nangangahulugan na ang kaso ay hindi na maaaring iapela o irebisa.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *