35 kaso ng respiratory problems naitala ng DOH sa mga evacuation center sa Albay

Nakapagtala ng may 35 respiratory problems ang Department of Health (DOH) mula sa mga evacuation center sa Albay.

Sa monitoring ng DOH, ang iba sa mga bakwit ay nakaranas ng ubo, sipon at pananakit ng lalamunan.

Pero bineberipika pa kung ito ay may kaugnayan sa pagkakalanghap ng
sulfur dioxide at ashfall.

Kaya patuloy ang paalala ng DOH sa mga apektadong residente na magsuot ng facemask.

Payo ng DOH mas maiging gumamit ng N95 mask at kung wala nito, mahalagang makapagsuot ng mask para magkaroon ng proteksyon laban sa abo.

Pinangangambahan ng DOH ang pagkalat ng respiratory illnesses sa mga evacuation center.

Kaya sabi ni DOH Sec. Ted Herbosa, magpapadala sila ng dagdag pang
tent sa Albay para makatulong sa decongestion sa evacuation centers.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *