Chikiting Ligtas program hindi na palalawigin ng DOH

Posibleng hindi na palawigin ng Department of Health (DOH) ang ginawang Chikiting Ligtas o catch up vaccination kontra tigdas at polio.

Ayon sa DOH, sa buong buwan ng Mayo lang dapat gagawin ang catch up vaccination pero in-extend ito hanggang noong Hunyo 15.

Kahit naman tapos na ang catch up vaccination, maaari pa ring dalhin ang mga bata sa mga health center para magpabakuna pero depende sa edad.

Sa monitoring ng DOH, hanggang nitong Hunyo 14, nasa higit 8.12 milyong bata ang kanilang nabakunahan kontra tigdas.

83.69% ito ng kanilang target na 9.7 milyon.

Sa polio naman, nasa 2.3 milyon ang nabigyan ng oral polio vaccine o katumbas ng 81.71% ng kanilang 2.8 milyong target mabakunahan.

Nilinaw naman ng DOH na mula nang ideklarang sarado na ang polio cases sa bansa noong Hunyo ng 2021 ay wala pa uling kaso ng polio ang naitala sa bansa.

May 3.9 milyon naman ang nabigyan ng Vitamin A.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *