Kakulangan sa doctor dapat tugunan bago magtayo ng dagdag na healthcare facilities

Nagbabala si Senador Francis Tolentino na hindi makakamit ng bansa ang ninanais nitong accessible healthcare program kahit magtayo ng mga dagdag na healthcare facilities kung hindi agad na matutugunan ang kakapusan ng mga doktor.

Sinabi ni Tolentino na sa halip na madagdagan, nababawasan pa ang bilang ng mga local physicians kasabay ng pagtaas ng populasyon.

Sa kasalukuyang data, nasa 169,000 lamang ang bilang ng mga doktor para tugunan ang pangangailangang medikal ng mahigit 101 milyong Pilipino.

Nangangahulugan ito na apat na doktor ang katumbas ng bawat 10,000 Filipinos gayung ang kailangan ay 10 doktor sa bawat 10,000 Filipinos.

Kaya mungkahi ni Tolentino sa Professional Regulation Commission (PRC) at mga miyembro ng Kongreso, payagan na ang mga foreign licensed doctors na pansamantalang magserbisyo sa bansa.

Maaari anyang italaga ang mga dayuhang doktor sa underserved areas para magbigay ng pangangailangang serbisyong medikal at matiyak na bawat Pilipino ay may access sa healthcare system.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *