Mayor ng Mabini, Batangas at tatlo nyang kapatid, kinasuhan ng CIDG
Sinampahan ng kasong illegal possession of explosives ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Mabini, Batangas Mayor Nilo Villanueva matapos makuhanan ng pampasabog sa kaniyang bahay noong Sabado ng madaling araw.
Photo released by CIDG
Ipinagharap din ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at illegal possession of explosives ang tatlong kapatid ng alkalde na sina Oliver Villanueva, isang dating pulis; Bayani Villanueva na isang barangay chairman at Ariel Villanueva, na nananatiling at large.
Photo released by CIDG
June 17 ng madaling araw nang magkakasunod na salakayin ng mga operative ng CIDG ang bahay ng magkakapatid, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Mary Josephine Lazaro ng Antipolo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74.
Photo released by CIDG
Iba’t ibang kalibre ng baril at mga pampasabog ang nakuha ng mga tauhan ng CIDG.
Pinuri naman ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda ang matagumpay na operasyon ng CIDG.
Photo released by CIDG
Magpapatuloy umano ang maigting na operasyon laban sa loose firearms, private armed group (PAG) at criminal gangs habang papalapit ang Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Mar Gabriel