Ilang residente ng Barangay Pembo, humiling na madaliin na ang transition nito sa Taguig City

Photo courtesy of pna.gov.ph

Sa gitna ng umiinit na namang isyu ng Taguig-Makati territorial dispute, may ilang residente ng Barangay Pembo sa Makati, ang sumulat sa lokal na pamahalaan ng Taguig para hilingin na madaliin na ang pag-takeover.

Sa 2 pahinang liham na naka-address sa mga opisyal ng lungsod, mula sa umano’y grupo na Mandirigma ng Pembo, nakaaad na silang mga residente ay naghihintay na masimulan na ang transition.

Photo courtesy of makati.gov.ph

Layon din ng liham na alamin kung ano ang mga maaari nilang asahan sa lungsod sa oras na maisakatuparan ang takeover.

Layunin din umano ng liham na maiwasan na ang pulitikahan sa isyu.

Ayon sa grupo, silang mga residente ay nagnanais na matapos ang isyu at makapamuhay na ng tahimik.

Sa desisyon ng SC, 10 barangay sa Makati kasama ang BGC ay bahagi umano ng sakop ng Taguig.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *