Lava flow mula sa Bulkang Mayon umabot na sa higit 2 kilometro – PHIVOLCS
Patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy ng lava sa Bulkang Mayon.
Sa nakalipas na 24-oras, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) umabot na ang lava flow sa habang 2.5 kilometer sa Mi-isi Gully at 1.8km naman sa Bonga Gully, habang ang pagguho naman ng lava ay umabot na hanggang sa 3.3km.
Naitala rin ng Mayon Volcano Network ang dalawang dome-collapse pyroclastic density currents (PDC) at 301 rockfall events, gayundin ang isang volcanic earthquake.
Nagbuga rin ang bulkan ng nasa 389 tons/day ng sulfur dioxide nitong June 19, 2023.
“Continuous moderate degassing from the summit crater produced steam-laden plumes that rose 800 meters before drifting to the general west,” nakasaad pa sa bulletin ng PHIVOLCS.
Nananatili pa rin ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon na nagbabadya ng mas mapanganib na aktibidad.
“It is currently in a relative high level of unrest as magma is at the crater and hazardous eruption within weeks or even days is possible,” babala pa ng PHIVOLCS.
Babala rin ng PHIVOLCS ang posibleng epekto sa bulkan ng malakas na pag-ulan.
“Heavy rainfall could generate channel-confined lahars and sediment-laden streamflows in channels where PDC deposits were emplaced.”
Patuloy pa ring binababalaan ang mga civil aviation authorities para paiwasin ang mga piloto na lumipad malapit sa Mayon dahil sa panganib na dulot ng pagputok ng bulkan.
Weng dela Fuente