Kasunduan para labanan ang cyber crimes sa bansa nilagdaan ng UNODC AT CICC
Lumagda sa isang kasunduan ang United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para palakasin pa ang kanilang kooperasyon sa paglaban at pag-i-imbestiga sa iba’t ibang uri ng cyber crime sa bansa.
Pinangunahan ito nina Senior Resident Policy Advisor Olivier Georges Lermet, CICC Executive Director Alexander Ramos at opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglagda sa kasunduan na isinagawa sa National Cybercrime Hub sa Bonifacio Global City (BGC).
Nakapaloob sa kasunduan ang gampanin ng dalawang ahensya sa tumataas na bilang ng krimen na ginagamitan ng ICT o information communication technology at ang epekto nito sa seguridad ng bansa
Tutulong din ang UNODC sa pagpapalakas sa kapabilidad ng National cyber Hub kasama na ang digital forensics at resource sharing.
Mar Gabriel