Usapin sa decorum ng Senado, exaggerated ayon sa isang senador

Naniniwala si Senador Sonny Angara na na-exaggerate o napalaki lamang ang usapin ng decorum sa Senado.

Sinabi ni Angara na sa ngayon ay wala naman siyang nakikitang dahilan upang magpatawag pa ng pagpupulong sa mga senador para pa-alalahanan ang bawat isa kaugnay sa tamang pag-uugali at pananalita ng mga senador

Sa isyu anya ng ingay sa session hall, ipinaliwanag ng senador na kadalasan kasing maraming bisita ang bawat mambabatas at hindi maiwasang i-entertain ang mga ito sa gallery sa session hall.

Ang nakikita pa ni Angara ay mabait lang si Senate Pres. Miguel Zubiri at nakakalusot ang mga ganitong gawain subalit hindi anya ito nangangahulugan ng kakulangan sa kanilang liderato.

Nanindigan din si Angara na “behave” naman ang nga miyembro ng Senado sa ngayon at maituturing pang mga matured.

Iginiit ni Angara na sa ngayon ay wala rin ang mga pagkakataon na may mga senador na hindi nagkikibuan matapos ang mainitang debate sa plenaryo.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *