3 barangay officials, humingi ng security escort sa PNP

Inaprubahan ng Philippine National Police (PNP) Police Security and Protection Group (PSPG) ang security request ng 2 barangay officials.

Ito’y matapos sumailalim sa masusing threat assessment ang nasabing mga barangay officials.

Kinumpirma ni PSPG Director Police Brigadier General Antonio Yarra ang bansa sa buhay ng 2 opisyal mula sa Pangasinan at Batangas kaya binigyan sila ng tig-isang police escort.

Isang barangay official naman mula sa Laguna ang may pending request at kasalukuyang sumasalang sa threat assessment.

Inaasahaan na raw ng PSPG ang pagdagsa ng request para sa police escort habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

We expect na marami rin mag-apply and we are preparing for that and we are conducting, in coordination with the other police units, and then that is part now of the preparations for the local elections to eliminate yung mga risk factors na present in the area para to prevent election related violence this coming local elections,” pahayag ni Gen. Yarra.

Sa itinakda ng batas, hanggang 2 police escort ang maaring ibigay ng PNP sa mga indibidwal na may banta sa buhay depende sa pangangailangan.

Sa kasalukuyan nasa 158 na mga appointed at elected officials mula senador hangang LGU ang binabantayan ng 257 pulis mula sa PSPG.

“Actually, the maximum number is 6, subject to the approval of the President yan. Ang allowed natin ay hanggang 2 protection agent or 1 pulis plus 1 protection agent and then for the local and national government officials appointed and elected, we can provide 2 PSP or PNP personnel,” dagdag pa ni Yarra.

Mula naman noong June 5, binuksan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang aplikasyon para sa exemption sa gun ban na ipatutupad na simula sa Agosto 28 hangang November 29.

Bukas ang aplikasyon para sa exemption hangang November 15 na maaari ding ihain online sa official website ng COMELEC.

Ang PNP Civil Security Group (CSG) naman ay patuloy na humihikayat sa mga elected officials na may pasong lisensya ng baril na mag-renew na.

Sa tala ng PNP, nasa 8,000 baril na pag-a-ari ng mga politiko ang expired na ang lisensya, kahati raw nito ang pag-a-ari ng mga barangay officials.

“We have to initiate extra special effort para matutukan yung mga barangay officials na magpa-renew ng kanilang mga lisensya at ang 2 rito yung pagbibigay ng kopya ng listahan sa barangay affairs ng DILG nang sa gayon matulungan kami ng ahensya na ma-encourage ang mga barangay officials natin na ire-new yung mga napaso nilang LTOPF at lisensya ng mga baril,” paliwanag PBGen. Benjamin Silo, hepe ng PNP Civil Security Group.

Sa kabila nyan, aminado ang PNP-CSG na hindi maaaring maging ground ng disqualification sa pagkandidato ang hindi pagre-renew ng firearms license.

Kaya umaapela sila at kung hindi tutugon ang mga kinauukulan ay mapipilitan silang magsagawa ng karampatang police operations.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *