Aabot sa P49 million shabu nasabat ng PDEA sa Parañaque City, tatlong suspek arestado
Arestado sa buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA-NCR) Northern District, PDEA-NCR Southern District at Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) ang magkakapatid na drug suspek sa Parañaque City.
Nakilala ang tatlo na sina Normina Egoy, Alfredo Egoy, at Alvino Egoy.
Unang nakuha sa mga suspek ang 200 gramo ng shabu na nabili ng posuer buyer.
Matapos na maaresto, tumambad sa mga operatiba ang 7 kilo pa ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P48.9 million.
Nabawi rin sa kanila ang buy bust money, isang weighing scale at iba pang drug paraphernalia.
Nasa kustodiya na ng PDEA ang tatlong suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa sa kanila sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Mar Gabriel