Petroleum company na sangkot sa investment scam kinasuhan ng SEC sa DOJ

Kinasuhan ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Department of Justice (DOJ) ang isang petroleum company at 11 opisyal nito dahil sa pag-a-alok ng securities nang walang lisensya mula sa ahensya.

Kasong paglabag sa Securities Code Regulation ang ipinagharap laban sa Petromobil Corporation dahil sa pag-a-alok ng co-ownership program ng kumpanya sa mga biktima para sa 25% o P100,000 return on investment (ROI) kapalit ng P400,000 na puhunan sa loob ng tatlong buwan at share sa kita ng 17 gasolinahan ng kumpanya.

Paliwanag ni SEC Enforcement and Investment Protection Department Director Atty. Oliver Leonardo, ginagarantiyahan naman ng mga respondents sa co-oil importation program ng Petromobil ng 60% ROI sa loob ng dalawang taon kapalit ng P500,000 investment.

Sinabi ni Leonardo na ipinawalang-bisa na ng SEC ang certificate of incorporation at inisyuhan na ng advisory ang Petromobil dahil sa mga paglabag nito.

Nakalagay aniya online ang alok na investment ng kumpanya kaya ito ay maituturing na public offering na dapat ay may lisensya mula sa komisyon.

Paliwanag pa ni Leonardo, hindi kasama sa articles of incorporation ng kumpanya ang pagbebenta ng financial instruments gaya ng securities.

Sinabi pa ng opisyal na tanging ang pagbebenta ng produktong petrolyo ang nasa rehistro nito sa SEC.

Dagdag pa ni Leonardo na sa CALABARZON lang ang karamihan ng gas station ng kumpanya na umaabot lang sa tatlo.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *