Corrected copy ng Maharlika Investment Fund, isusumite na sa Malacañang

Isusumite na sa Malacañang para palagdaan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Nilagdaan ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Philippine Embassy sa Washington DC ang panukala kung saan nagsasagawa siya ng isang working visit at nakikipag-pulong sa mga miyembro ng United States (US) Congress.

Personal na dinala ni Senate Secretary Renato Bantug ang kopya ng enrolled bill sa Washington para sa paglagda ni Zubiri ang panukala na sinaksihan nin Senador Francis Tolentino at Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.

Ang Maharlika Investment Fund ay sinertipikahan ni Pangulong Marcos bilang isa sa priority measure ng administrasyon.

“The Maharlika bill is a priority measure, and the Estate Tax Amnesty Extension is very time-sensitive. Marami nang naghihintay sa mga bills na ito. Fortunately, the enrolled copies were already prepared by the time Secretary Bantug was set to join us in Washington,” pahayag ni Zubiri sa isang statement.

Hindi masabi ng mambabatas kung paano sinolusyunan ang magka-ibang probisyon sa section 50 at 51 ng panukala ukol sa prescriptive period, pero ito aniya ay napag-usapan na ng mga senador sa kanilang Viber group.

Ibinatay ito sa ipinadalang sulat ni Senador Mark Villar, sponsor ng panukala, kung saan nililinaw na ang dapat masunod ay ang 10 taong prescriptive period sa sinumang mapapatunayang nagkamali o umabuso sa paggamit ng Maharlika Funds.

“I believe the corrections were thoroughly discussed by the majority bloc in our viber group including the letter of correction sent by Senator Mark Villar,” dagdag pa ng Senate President.

Bukod sa Maharlika Investment Fund bill, nilagdaan na rin ni Zubiri ang inaprubahang panukala para sa extension ng Estate Tax Amnesty bill at ang panukalang kumikilala sa Baler, Aurora bilang Philippine Surfing Capital.

Meanne Adane – Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *