Panukalang bigyan ng temporary license ang mga non-board passers na nurse, kinontra sa Kamara

Kinontra sa Kamara de Representante ang mungkahing bigyan ng temporary license ng Professional Regulations Commission (PRC) ang mga nursing graduates na non-board passers.

Sinabi ni Bohol Congresswoman Kristine Tutor, chairperson ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation, walang batas na nagpapahintulot sa PRC para sa nasabing hakbang.

Sagot ito ni Rep. Tutos sa panukala ni Health Secretary Ted Herbosa na bigyan ng PRC ng temporary license ang mga nursing graduates na hindi umabot sa passing scores sa licensure board exam sa layuning matugunan ang kakulangan ng medical workers sa mga ospital sa bansa.

Sa ilalim ng Republic Act 9173 o Philippine Nursing Act of 2002 at Republic Act 8981 o PRC Modernization Act of 2000, sinabi ni Tutor na hindi pinapahintulutan ang mungkahi ni Herbosa.

We are aware of no precedents for the issuance of temporary professional practice licenses,” pahayag ni Cong. Tutor.

Dagdag pa ng mambabatas, sa halip na pagtuunan ng pansin ng bagong health secretary ang mga non-board passers, hanapin ng DOH ang mga lisensyadong nurses na nagta-trangkaso sa ibang field at i-hire ang mga ito para ilagay sa mga bakanteng plantilla position sa mga government hospitals para mapunan ang kakulangan ng manpower.

“Instead of hiring near passers, I believe the DOH should focus on the many unemployed passers of the nursing boards by hiring them through filling up the vacant nurses items of the DOH hospitals plantillas,” mensahe pa ni Cong. Tutor.

Iminungkahi pa ni Tutor kay Herbosa na hilingin sa Kongreso na amyendahan ang nursing law kung nais nitong isulong ang kaniyang panukala.

Partikular ang paglalagay ng nursing assistant position na hindi nangangailangan ng lisensya kung matitiyak na nasa paggabay ng lisensyadong nurse.

“Another way, but one which would require legislation, is to amend RA 9173 by creating categories for Nurse Practitioners and Nursing Assistants who can lighten the workloads of Registered Nurses in medical facilities.”

If the DOH and PRC deem the nursing personnel shortage to be in urgent crisis mode, then they can ask Congress and President Ferdinand Marcos, Jr. to certify the amendatory bill as urgent,” pagdidiin pa ng kongresista.

Sa pagtaya ni Herbosa, mauubusan ng health workers ang mga government hospitals sa loob ng apat na taon dahil sa nangyayaring mass exodus ng mga nurse para magtrabaho sa abroad kapalit ng mas malaking sweldo.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *