Senado planong repasuhin ang prangkisa ng mga airline companies

Plano ng senado na silipin na rin ang prangkisa ng mga airline companies.

Ito’y matapos madiskubre sa pagdinig ng Senado na pinapayagan ang overbooking dahilan kaya may mga na-o-offload na pasahero.

Sinabi ni Senador Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services na titignan nila kung natutugunan ba ng mga airline companies ang requirements sa ilalim ng kanilang prangkisa.

Kabilang na rito ang pagsusumite ng report sa Kongreso hinggil sa kanilang mga operasyon.

Titingnan rin aniya nila kung nagagawa ba ng mga kumpanya ang obligasyon na magbigay ng mas maayos na serbisyo ng hindi dehado ang mga pasahero.

Sa record, ang prangkisa ng Cebu Pacific ay naigawad noong 1991 habang ang prangkisa ng Philippine Airlines (PAL) ay noong 2022.

Sa pagkaka-alam ng senador, wala pang naisusumite ang mga kumpanya na report sa Kongreso.

Kasabay nito, pina-alalahanan ni Poe ang Civil Aeronautics Board (CAB) na tungkulin nilang bantayan ang pagtugon ng mga kumpanya sa kanilang mga obligasyon.

Ipinaalala pa senador na mayrooong penalties na katapat ang hindi pagtugon sa obligasayon ng mga kumpanya.

Ilan naman sa rekomendasyon ng mambabatas ay dapat gawing mas madali ang proseso sa rebooking, walang dagdag na obligasyon sa mga pasahero at mas mabilis dapat ang refund.

Dapat ding mas maraming airline representatives ang sumasagot sa mga reklamo ng mga pasahero at gagabay sa mga ito sa mga kailangan nilang gawin.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *