NBI pinagko-komento ng SC sa hirit na writ of habeas corpus ng isa sa Degamo killing suspect
Pinagku-komento ng Supreme Court (SC) First Division ang National Bureau of Investigation (NBI) sa hirit ng ni Marvin Miranda, sinasabing co-mastermind sa Degamo murder na palayain ito.
Sa isang pahinang resolusyon ng SC First Division, binigyan ng 10 araw ng Korte Suprema ang NBI para sumagot sa mga petisyon ni Miranda.
Kabilang sa nais ng kampo ni Miranda ay mag-isyu ang Korte Suprema ng writ of habeas of corpus upang iharap sa hukuman si Miranda mula sa NBI detention.
Gayundin, hiniling ng kampo nito na maglabas ng protection order para kay Miranda.
Ang kautusan ay inisyu pa noong April 17, 2023 pero noong June 19 lamang natanggap ng petitioners.
Moira Encina