Russia dumanas ng legal setback sa Australian embassy standoff
Naharap sa legal setback ang alok ng Russia na magtayo ng bagong embahada malapit sa parliyamento ng Australia, nang suportahan ng pinakamataas na hukuman ang pagsisikap ng gobyerno na makuha ang lupain.
Hinarang ng Australia ang Russia na makapagtayo ng isang bagong embahada sa Canberra, makaraang magbabala ang intelligence agencies na maaari iyong magamit bilang base upang mag-espiya sa mga mambabatas.
Naglabas ng huling minutong kautusan ang Russia noong isang linggo upang huwag bitawan ang lupain, at nagpadala ng isang misteryosong diplomat upang mag-squat doon habang nagpapatuloy ang usaping legal.
Ngunit nitong Lunes ay ipinasya ng mataas na korte ng Australia na kailangang lisanin ng Russia ang lugar, kahit hanggang sa makabalik lamang sa korte ang kaso para sa mas detalyadong legal na argumento.
Ang squatter-diplomat ay nakitang agad na umalis sa lugar pagkatapos ng desisyon, bago inilayo lulan ng isang diplomatic vehicle.
Sinabi ni Australian Prime minister Anthony Albanese, “The court has made clear that there is no legal basis for a Russian presence to continue on the site at this time. We expect the Russian Federation to act in accordance with the court’s ruling.”
Binili ng Russia ang lease sa lupa mula sa gobyerno ng Australia noong 2008, at noong 2011 ay binigyan na sila ng approval na magtayo ng bagong embahada nila doon.
Ngunit inanunsiyo ng Australian government noong isang linggo, na sinisira na nito ang nasabing kasunduan.
Nagpasa ang parliyamento ng Australia ng mga batas na partikular na naglalayong pigilan ang pagtatayo ng isang embahada ng Russia sa lugar, na nasa 400 metro (440 yarda) mula sa presinto ng parliyamento.
Ayon kay Albanese, “The government has received very clear security advice as to the risk posed by a new Russian presence so close to Parliament House. We are acting quickly to ensure the lease site does not become a formal diplomatic presence.”
Inanunsiyo rin ni Albanese ang isang bagong package ng military assistance para sa Ukraine — kabilang ang 28 M113 armored personnel carriers at hindi binanggit na dami ng 105mm howitzer rounds.
Aniya, “We support international efforts to ensure Putin’s aggression fails and that Ukraine’s sovereignty and territorial integrity prevails.”
Hindi kasama sa package ang Hawkei light armored patrol vehicles o dagdag pang Bushmaster infantry vehicles — na kapwa hiniling ng Ukraine.