Chicago, nabalot ng makapal na usok bunsod ng mga wildfire sa Canada

(Photo by KAMIL KRZACZYNSKI / AFP)

Natabunan ng makapal na usok na nagmumula sa nagngangalit na wildfire sa Canada, ang himpapawid ng Chicago, kung saan naging kapansin-pansin ang tanawin sa 360 Chicago Observation Deck ng John Hancock Building sa lungsod matapos matakpan ng makapal na ulap.

Bilang tugon naman sa aniya’y “unhealthy air quality,” ay naglabas ng pahayag si Chicago Mayor Brandon Johnson na humihimok sa mga residente na mag-ingat.

Aniya, “The City of Chicago is carefully monitoring and taking precautions as the US Environmental Protection Agency (EPA) has categorized our Air Quality Index as “unhealthy” due to Canadian wildfire smoke present in the Chicago region. We recommend children, teens, seniors, people with heart or lung disease, and individuals who are pregnant avoid strenuous activities and limit their time outdoors.”

Inirekomenda rin ng alkalde sa mga bata, kabataan, nakatatanda, mga taong may sakit sa puso o baga, at mga indibidwal na buntis na umiwas sa mabibigat na gawain at limitahan ang kanilang oras sa labas.

Dagdag pa rito, dahil sa “unhealthy conditions,” kaya iminungkahi ni Johnson sa mga taga-Chicago ang pagsusuot ng masks upang protektahan ang sarili.

Mahigpit aniyang mino-monitor ng siyudad ng Chicago ang sitwasyon at nagpapatupad na ng mga kinakailangang mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng usok sa kalusugan ng publiko.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *