Isang taon ni PBBM sa Malacañang, pinuri ng gabinete
Binigyang pagkilala ng ilang myembro ng gabinete ang anila ay historic gains at mga reporma sa loob ng isang taon ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, sa simula pa lang ay niliwanag na sa kanila ni PBBM na nais nito ng nagkakaisang team na handang suportahan ang isa’t isa sa mga layunin, proyekto at mga plano.
Sa ilalim aniya ng pamumuno ni PBBM ay nalampasan ng Department of Migrant Workers ang mga pagsubok sa transitory work.
Para naman kay Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, “visionary” ang istilo ng liderato ni PBBM.
Tinukoy rin nito ang pag-apruba ng pangulo sa Green Lane for Strategic Initiatives sa pamamagitan gn Executive Order No. 18 na nagkakaloob ng one-stop action center para sa mas mabilis na permitting at licensing ng foreign investments.
Sa kabila naman ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary General Arsenio Balisacan na kinaharap na macroeconomic shock sa unang isang taon sa puwesto dahil sa pandemya ay nalagpasan at nakamit ng bansa ang full recovery mula sa krisis.
Nananatili aniyang on track ang ekonomiya ng bansa para makamit ang high-growth norm.
Sinabi naman ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na sa direktiba ng pangulo ay naglulunsad sila ng mga programa para mapababa ang insidente ng kahirapan.
Pinuri naman ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr ang reporma sa local governance at peace and order.
Madelyn Moratillo