Mga indibiduwal na sangkot sa Onion smuggling, tukoy na ng DOJ
Inihahanda na ng Department of Justice (DOJ) ang mga reklamong economic sabotage laban sa mga grupo o indibiduwal na maaaring nasa likod ng malawakang smuggling ng sibuyas sa bansa.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na may mga imbestigasyon at case build-up nang isinasagawa noon pa man ang DOJ at National Bureau of Investigation (NBI) bago pa ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa imbestigasyon, anim hanggang pitong indibiduwal ang lumalabas na may pakana sa smuggling ng sibuyas.
Ang mga nasabing pangalan aniya ay ang mga pangalan na lumalabas sa mga imbestigasyon ng Kamara noon.
Una nang bumuo ang DOJ ng Anti Smuggling Task Force para imbestigahan at papanagutin ang mga nasa likod ng smuggling ng iba’t ibang agricultural products.
May malaking galamay ang grupong ito kaya kinu-kontrol nila talaga ang supply at ang kasama dito ay cold storage facilities, mga bodega, tsaka mga middlemen.
Moira Encina