Buwis sa digital transactions tinatalakay ng Senado
Tinatalakay na ng Senado ang mga panukalang patawan ng buwis ang lahat ng digital transaction.
Isa ito sa nakikitang solusyon ng gobyerno para itaas ang revenue collections, tustusan ang mga government projects at tuluyang makabangon sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.
November 2022 nang aprubahan ng Kamara ang House Bill 4122 na layong amyendahan ang National Internal Revenue Code at magpataw ng 12% na VAT sa mga digital transactions.
Sa computations ng Department of Finance (DOF), inaasahang makakakolekta ng hanggang P100 billion sakaling mapagtibay ang VAT on digital transactions.
Layon din ng panukala na maging patas ang playing field sa pagitan ng mga traditional at digital business.
sakaling maging batas masasakop sa mga papatawan ng VAT ang online advertising, subscription services, electronic at iba pang online services, online marketplace, webcasts at iba pang katulad nito.
Meanne Corvera