NBI humingi ng paumanhin sa sexy dance sa command conference ng kawanihan
Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasayaw ng sexy dancer sa command conference ng kawanihan sa isang hotel sa Maynila.
Nag-viral ang video kamakailan kung saan makikita ang sexy dance performance ng isang babae sa harap ng mga dumalo sa NBI conference.
Ayon kay NBI Director Medardo De Lemos, Inaalam na kung sino ang nag-imbita sa dancers na wala namang otorisasyon.
“Pagkatapos ng imbestigasyon tingnan natin kung anong parusa amg puwdeng ipataw sa may sala nung oras na yun wala ako dun sa insidnte at hindi namin intensyon sexy dancers gusto namin wholesome” pahayag ni NBI DIRECTOR MEDARDO DE LEMOS
Nag-sorry si De Lemos sa pangyayari at iginiit na hindi tinutolerate ng ahensiya ang insidente.
Sinabi ni De Lemos na ang sexy dance ay nangyari sa fellowship ng regional officers at Metro Manila agents at pagkatapos na ng mismong command conference.
“Humihingi kami ng paumanhin at pagunawa dahil hindi naman intensyon na makasakit ng damdamin ng kababaihan at wala sa programa”, sinabi pa ni NBI DIRECTOR MEDARDO DE LEMOS
Ayon sa NBI chief, hindi pa niya nakausap si Justice Secretary Crispin Remulla ukol sa insidente.
Una nang sinabi ni Remulla na iimbestigahan ng DOJ ang pangyayari at wala silang palulusutin na opisyal.
“We do not like this to happen. We will investigate it also. These are the form of misbehavior we dont need in the country” pahayag ni JUSTICE SECRETARY CRISPIN REMULLA
Moira Encina