Panibagong energy source itatayo sa BARMM
Magkakaroon ng panibagong energy source ang bansa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ay matapos lagdaan ng Intergovernmental Energy Board (IEB) ang circular para sa paggawad ng petroleum service at coal operating contracts sa BARMM.
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sumaksi sa ginawang signing ceremony.
Magbibigay-daan ito sa pagpapatayo at eksplorasyon ng panibagong pagkukunan ng enerhiya ng bansa.
Magkatuwang ang Department of Energy (DOE) at Ministry of Environment, Natural Resources and Energy ng BARMM sa pagpapatupad ng joint circular.
Inihayag ng Pangulo na sasamantalahin ng pamahalaan ang anumang developmental opportunity na mas makapagpapalakas pa sa BARMM at makapagpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng mga residente doon.
Inaasahan din ng Pangulo na lilikha ng mga trabaho at magpapa-unlad sa ekonomiya ng rehiyon ang proyekto.
Alinsunod sa Bangsamoro Organic Law, pinapayagan ang national at ang Bangsamoro government para sa exploration, development, at utilization ng uranium at fossil fuels sa BARMM.
Madelyn Moratillo