Manila LGU naghahanda na rin para matulungan ang mga maaapektuhan ng water interruption
Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang assistance sa kanilang mga residente na maaapektuhan ng “water service interruption” ng Maynilad.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, inatasan na niya ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o DRRMO para sa pagbibigay ng assistance sa mga residente.
May mga malalaking truck aniya ang MDRRMO na tutulong sa pagrarasyon ng tubig sa mga apektadong residente.
Ang kanila namang Public Information Office ay hindi rin aniya nagkulang sa pagpapaalala sa mga residente patungkol sa water service interruption.
Kabilang sa mga makararanas ng water interruption mula alas-7 ng gabi hanggang alas- 4 ng umaga ay ilang barangay sa: Tondo, San Nicolas, Binondo, Sta. Cruz, Quiapo, San Miguel, Port Area, Intramuros, Ermita at sa Paco.
Madelyn Moratillo