TD Dodong nag-landfall sa Isabela kaninang madaling-araw
Naglandfall kaninang alas-tres ng madaling-araw sa Dinapigue, Isabela ang Tropical Depression Dodong.
Sa 5:00AM bulletin ng state weather bureau PAGASA, iniulat nito na kaninang alas-kuwatro ng madaling araw, namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng San Mariano Isabela.
Kumikilos ito pa Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour (kph).
Taglay ng TD Dodong ang lakas ng hangin na 45 kph at bugso na 75 kph.
Kaugnay nito, itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) number 1 sa mga sumusunod na lalawigan:
- Cagayan
- Isabela
- Quirino
- Nueva Viscaya
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Northern portion ng Pangasinan (San Nicolas, San Samuel, Sison, San Fabian, Pzorrubio, Bolinao, Bai, City of Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan, Anda)
- Northern at Central portion ng Aurora (Maria Aurora, San Luis, Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag)
Babaybayin ni Dodong ang buong kapuluan sa Northern Luzon sa susunod na anim na oras at maaring lumabas ngayong Biyernes.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado o Linggo.
Pinalakas naman ng bagyong Dodong ang Southwest Monsoon o Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa mga sumusunod na lugar:
- MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan)
- Bicol Region
- Western Visayas
- CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon)
- Metro Manila
Patuloy namang payo ng PAGASA sa publiko na mag-ingat at paghandaan ang mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Weng dela Fuente