PH Water Management Summit, ipinatawag ng DENR
Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng unified actions ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng Executive Order (EO) Number 22 na lumikha ng Water Management Resources Office (WMRO), nagpatawag ng Philippine Water Management Summit ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may temang Ensuring Sustainability and Security.
Sinabi ni DENR Secretary Antonia Loyzaga, mahalaga ang hakbang ng pamahalaan sa water resources management and water conservations dahil sa magiging epekto ng El Niño Phenomenon kung saan inaasahan na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng tubig sa bansa.
Ayon kay Loyzaga, nagkaroon na ng koordinasyon ang DENR sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan para sa water management partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa construction of infrastructures, Department of Agriculture para sa food productions, Department of Energy para sa power and energy security kasama ang iba pang stakeholders na kinabibilangan ng Metropolitan Water Works and Sewerage System ( MWSS), Local Water Utility Administration (LWUA), mga opisyal ng ibat-ibang Water District at Laguna Lake Development Authority (LLDA).
Vic Somintac