N.American box office, dinomina ng “Mission: Impossible”
Numero uno sa North American box offices nitong katatapos na weekend ang ika-pitong installment ng ‘Mission Impossible’ franchise, at pinatalsik ang horror flick na “Insidious: The Red Door” mula sa pagiging No. 1 noong isang linggo.
Kumita ng $52.6 million ang “Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One” ng Paramount, ang pinakabago sa long-running series na pinagbibidahan ni Tom Cruise.
Ayon kay David Gross ng Franchise Entertainment Research, “The opening is roughly average for an action thriller at this point in its series. Foreign markets are where action movies excel, and the overseas openings are strong, with the exception of China, which is good-not-great.”
Pasok naman sa ikalawang puwesto ang “Sound of Freedom,” isang kontrobersiyal na action thriller mula sa Santa Fe Films at Angel Studios.
Pinagbibidahan ni Jim Caviezel, ang istorya ng pelikula ay hango sa buhay ng dating US government agent na si Tim Ballard, na nagsabing nailigtas niya ang higit sa 100 bata mula sa Colombian sex traffickers.
Kumita ito ng $27 million sa nagdaang weekend, kayat ang kabuuang kita nito ay umaabot na sa $85 million sa ngayon.
Ang “Insidious: The Red Door,” ng Sony na bumagsak sa ikatlong puwesto ay kumita ng $13 million, makaraang kumita ng $33 million sa kaniyang opening noong nakalipas na weekend.
Ang “Insidious,” na ika-limang installment sa sikat na horror series, ay sinundan ng isa pang franchise sequel, ang “Indiana Jones and the Dial of Destiny” ng Disney.
Ang naturang “Indy” episode, na malamang ay siyang huling episode na ng seryeng pinagbibidahan ni Harrison Ford bilang isang archeologist, ay kumita ng $12 million at nasa ika-apat na puwesto..
Pang-lima ang “Elemental’ ng Disney/Pixar na isang animated immigrant fable, na kumita ng $8.7 million.
Narito naman ang mga pelikulang pasok mula Top 6 – 10:
“Spider-Man: Across the Spider-Verse” ($6 million)
“Transformers: Rise of the Beasts” ($3.4 million)
“No Hard Feelings” (3.3 million)
“Joy Ride” (2.57 million)
The Little Mermaid” ($2.35 million)