Lt. Gen. Romeo Brawner susunod na AFP chief
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lieutenant General Romeo Brawner Jr., commanding general ng Philippine Army bilang susunod na chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inanunsyo ng Malacañang ang appointment kay Brawner nitong Miyerkules.
Papalitan ni Brawner si General Andres Centino na itinalaga naman bilang Presidential Adviser on West Philippine Sea.
Naupo si Brawner bilang army chief noong December 10, 2021 at kabilang sa Philippine Military Academy (PMA) class “Makatao” of 1989 at nagsisilbi sa military sa loob ng 34 taon
Sinabi ng Malacañang na nagsilbi rin si Brawner bilang Commandant of the Cadets sa PMA kung saan may malaki siyang papel para wakasan ang hazing at maltreatment sa academy.
Si Brawner din ang kauna-unahang nagsilbi bilang deputy chief of staff for financial management (J10) sa AFP.
Weng dela Fuente