Special function room, ilalaan para sa seniors, may comorbidity na dadalo sa SONA
Nagtalaga ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ng isang special function room para sa mga bisitang senior citizen at may comorbidity na dadalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 24, Lunes.
Sinabi ni House of Representative Secretary General Reginald Velasco na napagkasunduan ng SONA Inter-Agency Task Group na dahil nagkaroon na ng pagluluwag sa Standard Health Protocol kaugnay ng kaso ng COVID 19 sa bansa, ia-accomodate ang lahat ng invited guest.
Ayon kay Velasco, nais ng SONA Inter-Agency Task Force na maging relax at convenient ang pagdalo sa SONA ng Pangulo ng mga bisitang senior citizen at may comorbidity.
Inihayag ni Velasco bagamat hindi na obligado ang antigen test sa mga dadalo sa SONA, kailangang fully vaccinated laban sa COVID 19 ang mga invited guest at kailangang dalhin ang kanilang vaccination card.
Niliwanag ni Velasco na ang mga bisita sa SONA na hindi vaccinated laban sa COVID 19 ay hahanapan ng negative RT- PCR test para makapasok sa plenaryo at sa mga designated function rooms.
Vic Somintac