OSG at PBBM nagkasundo na tapusin na ang pakikipag-ugnayan sa ICC
Nakausap na ni Solicitor General Menardo Guevarra si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa ruling ng International Criminal Court Appeals Chamber na pagtibayin ang pagpapatuloy ng drug war probe.
Sinabi ni Guevarra na napagkasunduan nila ng pangulo na ang desisyon ng ICC ay ang katapusan na ng pakikipag-usap o ugnayan ng Pilipinas sa nasabing korte.
Ayon kay Guevarra, hinintay lang nila ang nasabing ruling ng ICC.
Ang OSG ang naghain ng apela ng Pilipinas laban sa pag-otorisa ng Pre Trial Chamber 1 sa ICC prosecutor na ituloy ang drug war probe.
Una na ring sinabi ni Justice Secretary Crispin na ihihinto na ng Pilipinas ang pakikipag-usap sa ICC.
Moira Encina